fireworks

December 15, 2012 sabado

Nasa jeep ako kanina. Papuntang SM para bumili ng pang exchange gift at magbayad na din ng phone bill. Nakaupo sa harap ng jeep and dalawang bata katabi ng drayber. Wala tuloy ako choice kungdi sa loob na lang sumakay. Ang dami ko iniisip. Isa na kung anong bibilhin ko para sa nabunot ko for Christmas Party. Iniisip ko din kung magkano amount ng bill ko. Naiisip ko din kung papano ko pagkakasyahin ang lahat para sa Christmas Break. Tapos biglang may tumunog sa malayo. Mukhang fireworks. Dun ko lang namalayan ang dalawang bata sa harapan na nauna sa pwesto ko sa jeep.

Batang Babae: O kuya pustahan tayo galing ng SM yung fireworks.
Batang Lalake: di naman galing SM yan no.
Batang Babae: o tay, pustahan kayo ni kuya. Di ba galing SM yan?
Drayber: Oo naman.
Batang lalake: di kaya! Pustahan man.
Batang Babae: sige tay, pag natalo si kuya, kiss ka nya. Pag natalo ka, kiss mo sya.
Drayber: sige deal.
Batang Lalake: Ay! Pag natalo si tatay, dapat bigyan nya ako ng one hundred.
Drayber: aba masaya ka. (Pabirong sagot)

At habang mabagal na umusad ang jeep sa kahabaan ng traffic na Balibago, pinapanood ko kung papanong maglaro ang dalawang magkapatid dpsa harapan ko. Yung batang babae, panay ang halik sa kuya. Ewan ko ba, pero bigla akong nahiya. Eto ako, napapaisip pa kung panong magkakasya ang budget, habang meron pa naman ako kahit konti. Eto ako, at medyo malungkot pa at tuliro sa dami ng mga pagsubok na kasalukuyang hinaharap. At eto ang dalawang batang napakasimple ng buhay, napakababaw ng saya, habang ang tatay nila ay masiglang kumakayod. Palagay ko, pagdating nila ay sabay sabay silang kakain ng late na dinner. Gusto ko sanang abutan
ng one hundred yung batang lalake, pero palagay ko, tama si tatay nya at ang kapatid nya na sa SM nga ang fireworks. Pinigilan ko rin ang sirili ko, dahil di naman sila namamalimos. At ayaw ko rin na ipagpalit ng batang lalake ang kasiyahan nya sa pakikipaglambing sa kapatid, sa kapangyarihan ng pera. Sana hanggang tumanda yung magkapatid ay ganun parin sila ka affectionate sa isat-isa.

Pumara akosa tapat ng SM. Gabi na halos. Pero ang dami pa ring tao

Advertisements

Tags: ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: