hagupit

Ika limang araw
at ika limang gabiImage


ang dilim na bumabalot

ay humahaplos sa nanginginig na balat
sa nangagatog na buto
sa kumakalam na sikmura
sa hapdi ng mga sugat na sa ngayon ay sariwa pa

yan marahil ang nadarama
maaaring mas malala pa..
alam kong kailan man
ay di ko maipapaliwanag
sa wastong salita
ang tunay na nadarama ng mga pusong nagdurusa

kagabi habang pinag mamasdan
ang mga nakunang larawan
di ko na napigilan
ang mga malamig na luha
sa takot, sa awa,
sa simpleng katotohanang
wala man lang akong
tulong na magawa.

ngayong gabi,

sa lamig ng hangin,sa gitna ng dilim,

tahan na Nene,
darating na sila
akayin mo sya Totoy,
magpakatatag ka.
habaan mo Nay,
ang tali ng pasensya
bantayan mo sila Kuya
kailangan ka nila
Ate, balang araw,
magkakaroon din ng saysay
at tunay na dahilan
siguro nga balang araw,
baka sakaling maintindihan.
Amang nasa langit
mahabangin sa lahat
ngayong gabi
taos puso ang amingpakiusap
patatagin mo sila
palakasin mo
ang kanilang
isip at diwa,

upang bukas sa pagsikat
ng sinag ng
araw,
ay umusbong
ang init ng dahilan
na muling bumangon
at lumaban pa..

Akayin mo kami
sa landas ng liwanag
at kapanatagan..

#BangonPilipino

Advertisements

Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: