Sino ba si code name, Shaider?

Nung mga bata kami,

ipinakilala ni Madame,

ang mga bayani ng ating bansa.

Bumili ng post card,
kumuha ng paste,

idinikit sa kopon ban.

Mga larawan at alalang
habang buhay ay itinatago

sa tig-tatlong pisong folder.

Natutuwa na kami noon
sa transformnation ni Shaider,

sa maliksing pagtakbo ni Anie
kahit di sya nagpapalit ng damit,

pati na rin ang dramatic na pagbuo
ng robot
ng mga Bioman,

Pero sa Channel 13 lang yon.

Sa pagdaan ng panahon,
na realized ko
ang totoong super heroes
ay walang costumes,

walang props,

wala ring entry sa
wikipedia.

Si tatay,si nanay

si ate at kuya,

ang mamang traffic enforcer sa kalsada

si doc na di na nagpabayad ng professional fee

si ma’am at si sir sa eskwela

si mamang pulis na rumorunda,

si manong driver na nagbabalik ng tamang sukli,

si manong driver na gumagalang at nagbigay ng discount sa pasaherong senior citizen,

si cashier lady sa mall na nakangiti kahit maghapong nakatayo,

Si Jay, si Tony, si Rome, si Leo at lahat ng kilala nating nasa ibang bansa,

hindi para magpakasarap, kundi upang kumayod para sa pamilya, at para sa bansa,

ang kaibigan na nagsabi nang, “keri mo yan!”,

pati si lola na nagtitinda ng kendi at yosi sa kanto ng Mt. View,

si kuya guard, na puyat na nagbabantay ng office na nakasara,

si Mang Jose na nagtanim ng palay,

sila ale at mama na namingwit ng tilapia,
ang nagtimbang
ng isang kilong manok, at kalahating kilo ng baboy kaninang umaga

si kuya na nagbuhat ng bayong ng matanda;

silang mga tumulong sa mga naging biktima ng Yolanda,

si ate na nagbigay ng limang piso dun sa pulubi sa kalsada;

Sila at marami pang iba,

ang mga
tagapagtanggol
ng tunay buhay.

Walang holiday,

walang monumento,

walang honorarium
sa
trabahong ginagampanan.

#NationalHeroesDay Mabuhay ka Pinoy!

Maging bayani sa bagong panahon.

Advertisements

Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: